The Ignorant Princess Book 2 by Darkrainunez

“Upset me once, and I’m gonna make you suffer not just once or twice but many times”. Yan ang mga salitang binitiwan ni Princess ang babaeng nag ngangalit ang galit kay Therese matapos nitong talunin sa ranking ng school nila. Pero, mananaig ba ang kasamaan ni Princess? Uubra ba ang mga masasamang plano nito laban sa kanya? Sino ang magproprotekta, magliligtas sa kanya? May pag-asa bang magkabati ang dalawa at tuluyan ng mabigyan ng happy ending ang ating bida? Yan at marami pang mga pangyayaring sabay sabay nating tututukan sa pagbukas ng ikalawang yugto ng paglalakbay at pagtuklas sa bagong mundo ni Therese, “THE IGNORANT PRINCESS”. Product Details: Author: Darkrainunez ISBN: 978-971-9653-19-6 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction, romance Format: Paperback No. of pages: 124 SRP: P128.00 P100.00 Order this book via Shopee ** AS SEEN ON TV! (Adapted as a mini-series on TV5’s Wattpad Presents) ** More than 5 million reads on Wattpad!    

The Ignorant Princess by Darkrainunez

Sabi nila, para mabuhay daw ang isang tao, kailangan daw mag-adapt sa paligid nito. Pero paano kaya kung ang isang POOR girl, biglang yumaman in a wink? Makakaya ba niyang mag-adapt sa bagong paligid niya? Mag-adapt sa bago at sosyal na buhay niya? Mag-adapt sa mga bagong kaibigan? Or mag-adapt sa new lover? Iyan ang dapat abangan sa story na ito. Ang story na di lang magpapakilig, kundi mag-i-inspire at magpapatawa rin sa iyo. The Ignorant Princess now playing… Product Details: Author: Beth G. ISBN: 978-971-9653-73-8 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction Format: Paperback No. of pages: 160 SRP: P100.00 Order this book via Shopee ** AS SEEN ON TV! (Adapted as a mini-series on TV5’s Wattpad Presents) ** More than 5 million reads on Wattpad!    

Come and Rescue Me by Beth G.

Belle is devastated and heartbroken. Kaya naman matapos ang kanyang failed suicide attempt, sinama siya ng mga kaibigang sina Jean at Callie na mag-out of town. Pero ang masaya sanang escapade ay nauwi sa emergency room nang makaramdam si Belle ng mga sintomas ng isa palang kakaibang sakit. Then here comes Joseph Benivides, a mighty handsome young doctor. Makayanan kaya niyang i-save si Belle from her broken heart? Magagamot ba niya ang sakit ni Belle? And the ultimate question: ang sakit nga ba ni Belle ang maglalapit sa kanila, o ang maghahatid sa kanila sa happily never after? Product Details: Author: Beth G. ISBN: 978-971-9653-73-8 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction Format: Paperback No. of pages: 160 SRP: P100.00 Order this book via Shopee    

For Hire: Drop Dead Gorgeous Groom by Ralph Borromeo

Ikakasal ka ba pero biglang nag-back out ang groom mo? Ayaw mong mapahiya sa mga kaibigan, mga kamag-anak, at sa mga bisita mo? Gusto mong may maiharap na groom sa kanila? Gusto mong may kasamang humarap sa altar? Hire a drop-dead gorgeous groom now! He will walk with you at the aisle and he will surely make your wedding day an unforgettable one! Product Details: Author: Ralph Borromeo ISBN: 978-971-9653-14-1 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction Format: Paperback No. of pages: 142 SRP: P99.00 Order this book via Shopee    

She’s the Gangster I Love by Yazuakie

Winner: The Wattys 2016 Fan Fiction Category Isa lang ang kailangang gawin ni Aldrich, ‘yun ay ang patayin si Stadtfeld—ang gangster na may violet na mata. Sa paghahanap niya sa kanyang target ay nakilala niya si Euphemia—ang babaeng may asul na mata. Sobrang cold ng presensiya nito sa kabila ng maganda nitong mukha. Pero nang halikan siya nito ay may natuklasan siyang lihim. Ang kulay blue nitong mata ay naging kulay violet. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon pero isa lang ang na-realize niya. Si Euphemia ang gangster na kailangan niyang patayin. At ang gangster din na ‘yon ang taong unti-unti na niyang minamahal. Makakaya ba niyang i-good job ang tanging nilalang na nagpatibok sa kanyang puso? O susuwayin niya ang utos ng kanyang ama, no matter what para ipaglaban ang pag-ibig niya? Product Details: Author: Yazuakie ISBN: 978-971-9273-94-3 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction, Romance, Wattpad Format: Paperback No. of pages: 268 SRP: P150.00 Order this book via Shopee    

I’m In Love with My Alien Best Friend by Kylie Alexandria

Jade is a simple and ordinary girl. She’s so ordinary that she belongs to the categories ‘plain jane,’ invisible and unpopular. Hindi kasi siya mahilig mag-ayos ng buhok at mukha o magsuot ng mga girly outfit. Minsan napagkakamalan tuloy siyang Tomboy. Solong babae kasi siya sa anim na magkakapatid na puro lalake. Ito na rin siguro ang dahilan kaya ang kinalakhan niyang best friend ay lalake rin, si Trent. If Jade is an ordinary girl, Trent is everything but ordinary. He’s a head-turner–maganda ang skin, kumpleto ang ngipin, matikas ang tindig. In other words, he’s above average na tipong unaware na gwapo siya. May pagka-antisocial ito and sometimes borderline weirdo. Si Jade lang ang nakaka-gets sa kanya kahit na ugaling alien siya. Minsan ang pag-ibig nagsisimula sa pagkakaibigan. At unti-unti na ngang nahuhulog ang loob ni Jade sa antipatikong binata. Paano kung matuklasan niya ang totoong pagkatao nito na inilihim sa kanya sa mahabang panahon? Pero tao nga ba si Trent? Product Details: Author: Kylie Alexandria ISBN: 978-971-9653-29-5 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction Format: Paperback No. of pages: 142 SRP: P100.00 Order this book via Shopee    

Superhero Problems by Elena Buncaras

WINNER: Wattpad Writing Battle 2016 ISA SIYANG kriminal na huminto na sa kanyang masamang gawain. Nakilala siya ng iba bilang isang masamang tao. Nagnanakaw, nananakit ng iba, pumapatay—ngunit magbabago ang lahat dahil sa isang lumang propesiya. Sa makabagong panahon kung saan siya naninirahan, malalaman ang kanyang tunay na pinagmulan. Sa panahon kung saan pinatatakbo ang buong mundo ng papaunlad na teknolohiya, malalaman nila na ang gaya niya ay nabubuhay pala. At sa taong dalawang libo at labingwalo, isang bulalakaw ang nakatakdang wawasak sa buong mundo. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, gagawin ba niya ang itinakda niyang trabahong iligtas ang lahat para sa kabutihan o pipiliin na lang niyang manood sa isang tabi gaya ng nakasanayan? Product Details: Author: Elena Buncaras ISBN: 978-971-8573-35-8 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction Format: Paperback No. of pages: 144 SRP: P115.00 P100.00 Order this book via Shopee