Babysitting the Brat Book 2 by MiziAN19

Sabi nila hindi naman masama ang magmahal. Basta marunong kang manampal ng karibal na panay ang epal! Iyon nga ang ginawa ng bratinelang si Lia Imperial kay Ariella Dawson–ang babaeng sa tingin niya ay karibal niya kay Gino Fortaleza. Akala pa naman ni Lia ng mapunta siya sa poder ni Gino ay magkakaroon na ng karugtong ang kuwit sa storya nila noon. Ngunit nagkamali siya. Nang umeksena kasi ang best friend ni Gino ay lalong lumabo ang dati nang malabong feelings nila sa isa’t-isa. Dahil doon ay mukhang dapat na niyang burahin ang kuwit at tuldukan na ang storya nila ni Gino at ‘wag na ring umasa pang madudugtungan iyon at magkakaroon pa sila ng ‘happy ending’ katulad ng sa mga fairytales… Pero kung kalian naman give up na si Lia saka naman naghabol itong si Gino. He realized na may mali siya at kailangan niyang mabawi si Lia, pero paano nga ba niya gagawin iyon kung may isang Francis Quen Cordova na umaaligid at nagsisilbing shoulder to cry on ng dalaga? Idagdag pa ang malatigreng kasungitan ni Lia sa pakikitungo sa kanya. Pero hindi siya dapat sumuko, after all…love is not just like a fairytale with a happy ending….

Babysitting the Brat by MiziAN19

Lia Imperial, bratinela kung ituring at wala raw gagawing magaling. Pasaway at masakit siya sa ulo. Kaya naman nang nasagad ang mga magulang niya sa kanyang mga kalokohan at gulong pinasok ay nagdesisyon ang mga ito na paalagaan siya kay Gino Fortaleza, ang taong sa tingin ng mga ito ay kaya siyang patinuin. At tama naman ang kanilang pasya dahil pangalan pa lang ng binata ay natatameme na ang dalaga. Several years ago kahit kababae niyang tao ay nagtapat siya rito ng nararamdaman. Pero hindi nito nagustuhan iyon kaya iniwasan siya nito. And it broke her heart. Malaking kahihiyan din sa parte niya dahil nag-confess siya ng walang pag-aalinlangan. And now that he’s back, nagulat pa siya ng mag-volunteer itong maging so called “Babysitter” niya at titira pa sila sa iisang bubong. Bilang ganti kay Gino sa pag-reject nito sa kanya noon ay naisipan niyang pasakitin din ang ulo nito. Pero wala rin sa bokabularyo ng binata ang magpatalo sa kanya. Kulang na lang ay paluin siya nito sa pwet at ibitin patiwarik, madisiplina lang siya. At sa muling pagsasama nila, anumang iwas ang gawin niya ay nahulog ulit ang loob niya rito. She falls in love again with her…