Restless Heart by Amor Filia

Nang sagutin ni Stelah si Marco ay ipinangako niya sa sariling ito na ang lalaking makakasama niya habam- buhay. Maayos naman ang relasyon nila noong una pero nang lumaon ay unti-unti na niyang nakita ang mga kapintasan nito. Mabait at malambing ngunit sobrang mainitin ang ulo ng lalaki. Maliit na bagay ay ikinagagalit agad nito. Sa kabila ng lahat ay pinaniniwala ni Stelah sa sariling si Marco pa rin ang lalaking nakalaan para sa kanya. Subalit nagulo ang mundo ng dalaga nang makilala si Baron, ang nakababatang kapatid ng nobyo. Ang ugali nito ay eksaktong kabaligtaran ng pag-uugali ni Marco– easy go lucky, mukhang walang bagay na sineseryoso sa buhay. Pero bakit madalas niyang hinahanap-hanap ang presensiya nito? Bakit may nadarama siyang kakaiba sa tuwing makikita ito? Dapat na nga ba siyang mabahala sa pagdating ng bunso ng mga Buencamino? Product Details: Author: Amor Filia ISBN: 978-971-9653-68-4 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 112 SRP: P75.00 Order this book via Shopee    

A Dance to Remember by Roma Borromeo
Fiction , Wattpad Books / March 18, 2018

Matalo. Wala ito sa vocabulary ni Ruthie. Until she met Izon, ang kaisa-isang lalaking tumalo sa kanya. Pero ang nakakatawa, she shared her unforgettable dance with him. She realized that lossing is as bad as she thinks. After that, she promised to herself na gagawin niya ang lahat para matalo ito makaharap man niya ito sa hinaharap. Makalipas ang ilang taon, their paths crossed again. Kakayanin ba niyang matalo ulit kay Izon? Or will they end up sharing one more memorable dance again? Product Details: Author: Roma Borromeo ISBN: 978-971-9648-04-8 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 108 Genre: Contemporary Fiction SRP: P128.00 P99.95 Order this book via Shopee for only P75.00 per copy.    

13th Rose by Shari Louise Co
Fiction , Wattpad Books / March 16, 2018

Gaano nga ba katagal kayang maghintay ng isang tao, para sa taong hindi naman sigurado kung kaya pa siyang mahalin o hindi. Gaano ba katagal kayang maghintay ng isang tao para sa pagmamahalang walang kasiguraduhan ang hinaharap? Nang dahil sa isang aksidente, nalagay sa bingit ng kamatayan si Nash, ang kasintahan ni Brigette. Ilang buwan makalipas ang aksidente ay wala pa ring malay ang kasintahan ng dalaga, hanggang sa magpakita sa kanya ang isang diwata. Inatasan siya nitong mangolekta ng labintatlong rosas mula sa labintatlong lalaking paiibigin niya at ang kapalit nito ay ang pag-gising ni Nash, ang buhay na kanyang iniirog. Matapos ang tatlong taon ay nakalabindalawang rosas na siya, isa na lang at magigising na si Nash. Makita na kaya niya ang lalaking magbibigay sa kanya ng huling rosas na inaasam niya? Makuha na niya kaya ang 13th Rose? O mauubos na ang oras na inilaan sa kaniya ng diwata? Product Details: Author: Shari Louise Co ISBN: 978-971-9653-05-1 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback Genre: Romance No. of pages: 188 SRP: P135.00 Order this book via Shopee    

8 Cracks of the Heart Before It Breaks by Shari Louise Co

Janine, is a teenage girl who is a victim of a fantasy–the idea that love is like a fairy tale–it ends in ‘happily ever after.’ She suffered the feeling of mixed happiness and pain until her boyfriend ended their three-year relationship. She does not consider herself ‘broken’ by then. She doesn’t even know what the ‘L’ word really means until eight shots of pain struck her heart. Janine wants to share her sad story to everyone. She wants to tell her struggles, her disappointments, her regrets, her thoughts, as well as her agony. She wants the companion of a person who’s also experiencing both love and pain. Product Details: Author: Shari Louise Co ISBN: 978-971-9653-97-4 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 108 SRP: P99.95 Order this book via Shopee    

Chick Magnet by Darla Tverloheb

Paano ba ma-domesticate ang isang chick magnet and thrill seeker guy na katulad ni Kellan Marquez? Well, it was not necessarily a job for Jermaine Salcedo to do dahil sa isa siyang designer ng chopsticks. Pero may dapat ba siyang gawin para sa kanyang nag-iisang pamangkin kahit na babaliin pa niya ang kanyang sariling mga rules – pati na ang sariling pananaw sa pag-ibig – basta’t maiuwi niya lang ang lalakeng ito sa bahay nila? O, kusa nang lalapit sa kanya ang chick magnet? Product Details: Author: Darla Tverloheb ISBN: 978-971-9653-15-9 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 104 SRP: P115.00 Order this book via Shopee    

Curse of Arcana by Amedrianne

On that fateful day, when the unfortunate and lonesome high schooler Anise Mendiola became the heiress of Arcana’s great power as she made her wish by breaching in an ancient contract that has been sealed for long in an old painting, all just suddenly fall worst like a curse. Kalakip ng pagkakatanggal ng seal ay ang pagkakaroon niya ng instant four of the most drop-dead gorgeous, if not completely notorious, boys mula sa school niya—na talaga namang kinaiinggitan ng lahat—bilang kanyang mga Sentries, na nangakong proprotekta sa kanya mula kay Arcanus at sa sumpang patuloy na dumadaloy sa kanilang angkan at ‘yon ay ang fated death. Ngunit kayanin pa kaya niyang masakatuparan ang nakatakdang misyon ng bawat Arcana Princess kung mismong puso na ang maging matindi niyang kalaban? Product Details: Author: Amedrianne ISBN: 971-978-9653-45-0 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 154 SRP: P99.95 Order this book via Shopee    

Fan Girl Meets Superman by Aivan Reigh Vivero

Paoloholics, Paolovers, Kimpoynatics, at Kakimpoys – ilan lang ‘yan sa mga grupong sumusuporta at nagmamahal sa tinaguriang Internet Sensation na si Kim Paolo “Kimpoy” Vivas Feliciano also known as “Superman” to his followers, kaya naman hindi inaasahan ni Chloe na magpapakita sa kanya ng interest ang kanyang idolo. Maaari bang ma-inlove si “Superman” sa kanyang “Fan Girl?” Product Details: Author: Aivan Reigh Vivero ISBN: 978-971-0453-44-3 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 112 Order this book via Shopee Order the e-book version via Buqo    

Heart Over Matter 3

Sa pagpapatuloy ng journey ng pag-ibig ni Lance at Nicole, samut-saring pakikibaka ang kinaharap nila… Kinailangan ni Lance na gumawa ng paraan para makahanap siya ng babaeng tunay na magmamahal sa kanya upang ma-activate ang batong ibinigay ni Peter sa kanya at ialay iyon kay Nicole na ang kadenang nagdurugtong dito sa buhay ay unti-unti nang nasisira na maaari nitong tuluyang ikamatay… Gagawin niya ang lahat para mabuhay ang dalaga, kahit ang katumbas niyon ay kamatayan niya… Subalit sa paglusob ng mga uwak at dinagit si Nicole, may pag-asa pa bang mailigtas niya ito? Lance will do anything for the sake of his one and only love… Product Details: Author: Charles Fred Agustin Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 100 Order this book via Shopee Order the e-book version via Buqo    

Heart Over Matter Book 2

A love that defies the rule of living… A love that goes against the law of surviving… Love could find you even in the most unexpected place and time… Ganoon ang nangyari kina Lance at Nicole. Natutuhan nilang mahalin ang isa’t isa sa isang lugar at panahong hindi nila inaasahang mapupuntahan nila. Kung saan nakahiwalay ang kanilang mga kaluluwa sa kanilang mga katawan. Pero hindi lamang iyon ang humahadlang sa pag-iibigan nila. Nariyan pa ang multong si Rafael na mukhang ayaw magpatalo at gusto pa ring masungkit ang puso ng dalaga, at ang paghahabol nila sa oras na makahanap ng solusyon upang makabalik sila sa kanilang mga katawan bago pa man tuluyang masira ang kadenang pumipigil upang huwag silang tuluyang mawala sa mundo ng mga buhay. Hanggang saan hahantong ang masalimuot at mahiwagang pag-iibigan nila? Product Details: Author: Charles Fred Agustin ISBN: 978-971-0453-84-9 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 100 Order this book via Shopee Order the e-book version via Buqo    

Heart Over Matter Book 1

A love to die for… and to live for… What if your one and only chance to live means the death of your one true love? Nang ma-comatose si Lance matapos ang isang insidente sa bar ay naging isa siyang kaluluwang ligaw–walang kausap, walang nakakakita. Naging mag-isa sa mundo si Lance hanggang sa makilala niya si Nicole, isa ring kaluluwang ligaw at comatose ang katawan kagaya niya. Pareho nilang nais makabalik sa mga natutulog nilang katawan, parehong ninais mabuhay. Naging sandalan nila ang isa’t-isa habang hinaharap ang mundo ng kawalan. Hindi nagtagal ay nahulog ang loob nila sa isa’t-isa, kaya naman nang bigyan sila ng pagkakataong makabalik sa kanilang katawan ay ginawa nila ang lahat upang maipagpatuloy ang kanilang love story…in the flesh. Ngunit paano kung ang taong mahal mo ang magiging kaagaw mo sa one and only chance mo para mabuhay? Ipapaubaya mo ba sa kanya ang chance na iyon o kakalimutan mo ang nararamdaman mo upang makabalik sa katawang nilisan mo? Product Details: Author: Charles Fred Agustin Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Format: Paperback No. of pages: 140 Order this book via Shopee Order the e-book version via Buqo