The Ignorant Princess Book 2 by Darkrainunez

“Upset me once, and I’m gonna make you suffer not just once or twice but many times”. Yan ang mga salitang binitiwan ni Princess ang babaeng nag ngangalit ang galit kay Therese matapos nitong talunin sa ranking ng school nila. Pero, mananaig ba ang kasamaan ni Princess? Uubra ba ang mga masasamang plano nito laban sa kanya? Sino ang magproprotekta, magliligtas sa kanya? May pag-asa bang magkabati ang dalawa at tuluyan ng mabigyan ng happy ending ang ating bida? Yan at marami pang mga pangyayaring sabay sabay nating tututukan sa pagbukas ng ikalawang yugto ng paglalakbay at pagtuklas sa bagong mundo ni Therese, “THE IGNORANT PRINCESS”. Product Details: Author: Darkrainunez ISBN: 978-971-9653-19-6 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction, romance Format: Paperback No. of pages: 124 SRP: P128.00 P100.00 Order this book via Shopee ** AS SEEN ON TV! (Adapted as a mini-series on TV5’s Wattpad Presents) ** More than 5 million reads on Wattpad!    

Kiss Me, Handsome Bully

Simple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. Catherine Academy, nabago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang sa Perfect Prince ako ma-in love. Kaya lang, ba’t gano’n? Bakit sa ultimate prince pa ng mga bully nahulog ang loob ko? Bakit du’n pa sa lalaking ginawang half-hell ang buhay ko sa St. Catherine? Hays. Ako nga pala si Jelaine Veronica Apricot. And I therefore conclude na wala na `kong magagawa para mabawi pa ang puso ko kay Micko Rivera. Wala eh. Siya lang naman ang nakakuha ng first kiss ko. Siya lang ang lalaking kasinglamig ng yelo pero kasing lambot ng leche flan ang puso. Siya lang `yung bully na concerned lagi sa binu-bully niya. Siya lang `yung taong pinagkatiwalaan ko ng buhay ko nang minsang muntik na kaming hatakin ni Kamatayan. Siya lang. Sana kayanin ko ang topak niya. Mahirap kasing mag-alaga ng special child. Hehe.