Enchanted Academy by Joshua Lee

Si Helena ang itinakda na bubuhay sa “alteza” o pinakamakapangyarihang mangkukulam sa lahi ng mga Osoru o ang lahi ng mga Salamangkerong Itim. Ang sabi sa propesiya, kapag nabuhay ang alteza ay muling makakabangon ang kanilang lahi na napabagsak na noon ng kalabang lahi ilang taon na ang nakakalipas– ang Ligero o lahi ng mga Salamangkerong Puti. Kaya naman upang mabigyan si Helena ng proteksyon mula sa mga Ligero ay binigyan siya ng “protector” sa katauhan ng masungit na si Calvin. Sa pagpasok ni Helena sa Enchanted Academy ay nakilala niya ang masayahin at mabait na si Matias. Agad na nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Ngunit paano kung malaman ni Helena na si Matias pala ay ang Salamangkerong Puti na inatasan upang siya ay patayin dahil siya ang bubuhay sa alteza? Maging hadlang kaya ang kani-kanilang tungkulin sa kanilang pag-iibigan? Product Details: Author: GreatPretender04 ISBN: 978-971-9273-93-6 Size: 4.5″ x 7″ Language: Tagalog Genre: Contemporary Fiction, Wattpad Format: Paperback No. of pages: 146 SRP: P99.95 Order this book via Shopee