Enchanted Academy by Joshua Lee

Si Helena ang itinakda na bubuhay sa “alteza” o pinakamakapangyarihang mangkukulam sa lahi ng mga Osoru o ang lahi ng mga Salamangkerong Itim. Ang sabi sa propesiya, kapag nabuhay ang alteza ay muling makakabangon ang kanilang lahi na napabagsak na noon ng kalabang lahi ilang taon na ang nakakalipas– ang Ligero o lahi ng mga Salamangkerong Puti. Kaya naman upang mabigyan si Helena ng proteksyon mula sa mga Ligero ay binigyan siya ng “protector” sa katauhan ng masungit na si Calvin. Sa pagpasok ni Helena sa Enchanted Academy ay nakilala niya ang masayahin at mabait na si Matias. Agad na nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Ngunit paano kung malaman ni Helena na si Matias pala ay ang Salamangkerong Puti na inatasan upang siya ay patayin dahil siya ang bubuhay sa alteza? Maging hadlang kaya ang kani-kanilang tungkulin sa kanilang pag-iibigan? Product Details: Author: GreatPretender04 ISBN: 978-971-9273-93-6 Size: 4.5″ x 7″ Language: Tagalog Genre: Contemporary Fiction, Wattpad Format: Paperback No. of pages: 146 SRP: P99.95 Order this book via Shopee    

My Lady Gangster by GreatPretender04

A campus princess A girl that is idolized and envied A girl who you never thought living in a world we didn’t know…. A World we never thought to exist… A World full of adventures… A World full of pain, revenge and chaos… The World where she is respected and feared… The World where they bow down unto her… The World where she is known as LADY BUTTERFLY Their legendary LADY GANGSTER. Product Details: Author: GreatPretender04 ISBN: 978-971-9273-81-3 Size: 4.5″ x 7″ Language: Filipino Genre: Contemporary Fiction, Wattpad Format: Paperback No. of pages: 386 SRP: P185.00 Order this book via Shopee    

The Maid and the Millionaire by Ann Margaret

Dahil sa pangangailangan ni Belle ng sapat na halaga para ipantulong sa nanay niyang nagkasakit kaya naman mabilis siyang pumayag na maging katulong sa isang malaking bahay sa subdivision na pinagta-trabahuhan din ng bestfriend niyang si Dana. Ang hindi niya inaasahan ay ang magkagusto siya sa guwapo, simpatiko, at mabait niyang amo na si Carmine Oerick Falcon. Tuwing nakikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin, lalo na at mukhang ang pagkakataon pa ang laging gumagawa ng paraan para mapalapit siya rito. Dumating ang araw na kinailangan nito ang kanyang tulong. Nais ni Carmine na magpanggap siyang fiancĂ© nito para itaboy ang obsessed na babaeng may balak pa atang pikutin ang binata. Pumayag si Belle dahil bahagi na rin ito ng kanyang trabaho subalit di niya mapigilang mahulog pa ng todo ang loob sa kanyang amo. Langit at lupa ang pagitan nila ni Carmine pero hindi maiwasan ng ambisyosang katulong na mangarap ng isang fairy tale na alam niyang imposibleng mangyari. Subalit sa pag-ibig, ang imposible minsan ay nagiging posible. Habang nahuhulog ang loob niya kay Carmine, naiin-love na rin kaya ito sa kanya? Mauuwi kaya sa totohanan ang kanilang pagpapanggap? Product Details: Author: Ann Margaret ISBN:…