Tears from Polaris by Angelu Via

Shin was a star lover. Batid niyang kahit kailan ay hindi niya maaabot ang mga bituin sa kalangitan pero tanggap niya iyon. But then Polaris entered her life. He was named after the brightest star. True to the meaning of his name, he was the brightest star in her life. Kaya lang ay may ibang babae na itong itinatangi. Alam niyang kabilang na rin ito ngayon sa mga bituing hindi mapapasakanya. But she was willing to give it a try. When she was given a chance, she took the risk. Gumawa siya ng paraan para mapasakanya ito kahit panandalian lamang. Walang kasiguraduhan kung mamahalin siya nito in return. That’s the risk of loving a star, she realized. Ngunit paano kung magbago ang ikot ng mundo at mapagtanto nito ang halaga niya? Handa pa ba siyang tanggapin itong muli sa buhay niya kahit na alam niyang lagi lang siyang second best sa listahan nito? Will she take the risk again if she would see the tears from his eyes? Product Details: Author: Angelu Via ISBN: 978-971-9273-60-8 Size: 4.25″ x 6.75″ Language: Tagalog Genre: Contemporary Fiction, Wattpad, Teens Fiction Format: Paperback No. of pages: 112 SRP: P50.00 Order this book via Shopee…

Always in My Heart by Darla Tverdohleb

Tadhana ang siyang nag-krus ng kanilang mga landas. Ngunit dahil sa isang aksidente ay nakalimutan siya ni Franklin. Naisip na lang ni Sadie na baka nakatadhana ring maging ganoon ang ending ng kanilang love story lalo na’t ayaw sa kanya ng pamilya ng lalaki. Ngunit, hahayaan na lang ba talaga niyang ganoon na lang pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ng lalaki? Isn’t it just right to fight for her love until the end? After all, fate must have played a game for the two of them to test how their love could conquer all odds… Product Details: Author: Darla Tverdohleb ISBN: 978-971-9648-53-6 Size: 4.25″ x 6.75″ Language: Tagalog Genre: Contemporary Fiction, Wattpad, Teens Fiction Format: Paperback No. of pages: 120 SRP: P50.00    

I Love You Mr. Right by Bianca Nicole

Ang sabi ni Anika sa sarili ay hindi na siya maghahanap ng batong ipupukpok sa ulo niya. In other words, ‘yung mga lalaking mas mataas pa sa Eiffel Tower ang ego. Sumakit na ng bonggang-bongga ang ulo niya sa kanyang ex that’s why from now on, the door to her heart is closed. Pero ang magaling niyang kaibigan, nag-set ng date para sa kanya at sa best friend nito. That’s when Eiji Benedicto came to the picture. Dahil ito pala ang best friend ng kaibigan niya na kanyang kinaiinisan. Pero dala ng kagandahang asal ay itinuloy pa rin niya ang date nilang dalawa. Luckily, successful iyon. At ito rin ang naging umpisa ng pagkakaibigan nilang dalawa ni Eiji. Then suddenly, nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya. Ang akala niya ay parte lang iyon ng pagkakaibigan nila. Mas naging sweet at caring ito sa kanya hanggang sa dumating ang best friend niya and Eiji acted strange. Naiinis siya sa sarili niya dahil kahit na naiinis siya sa binata ay hindi pa rin niya matiis na hindi ito isipin at ma-miss. Hanggang sa aminin na niya sa sarili niyang nai-in love na siya rito. Yes, she’s actually in love with Eiji…